2006/09/13

Episode 4: The Champorado Thickens / Korina's Hairbrush, Again

Samantala...

Kahit na sabihin nating napasakamay ni Korina Sanchez ang kanyang mahiwagang hairbrush (nahanap na ito ni Katie habang papunta sina Mizuki sa ELJCC), hindi pa rin matigil si Mel Tiangco sa pagtatangkang agawin mula sa kanyang dating estudyante ang prized relic na iyon.

At sa isang talahiban na malapit sa QC-Bulacan border nagkrus uli ang landas ng dalawa.

Korina: Ex-sensei Mel, nagkita na tayo uli.
Mel: Inaasahan ko yan mula sa dati kong estudyante.
Korina: Siguro'y alam ko na ang dahilan kung bakit ka nandito.
Mel: Of course. Ang hairbrush mo.
Korina: Aagawin mo uli? Pwes, nagkakamali ka. Meron na kasing napakaraming security features ang lagayan ng hairbrush ko. Anong sey mo?
Mel: Kung seguridad lang ang kaya mo... (pause) itong 120% ng lakas ko ang susupil dito!

Mel transforms into a Whitesmith.

Korina: Whitesmith ka pala, ha? Handa ka na ba sa transformation ko?

Korina transforms into a Lord Knight.

Statistics:

Korina Sanchez
Lv. 120 Lord Knight
HP: almost reaching 30,000

Mel Tiangco
Lv. 120 Whitesmith
HP: almost reaching 20,000

ROUND 1 --- FIGHT!

[Duel: Korina Sanchez vs. Mel Tiangco]

Attack:
Walang-alinlangan akong aatake!
Subukan natin kung iilag ka.
Tikman mo ang kapangyarihan ng Kapuso!
Tikman mo ang kapangyarihan ng Whitesmith!
O, ano na?

Defend:
Sige, tirahin mo na ako.
Handa na ako sa atake mo.
Laban o bawi?
Kayang-kaya mo ba ako?
Sige, mag-isip-isip ka. Naka-standby ako.

Deathblow:
Bigyan mo ako ng kapangyarihan, Pareng Mike!
Paalam, dati kong estudyante.
Sa ngalan ng GMA, pupulbusin kita!
Kukunin ko ang haribrush mo pagkatapos nito!
Di ka tatagal ng 24 oras!

Samantala, sa Bahay ni Kuya...

Si Henry Angeles (in Safer Sephiroth form, still) ay nagpe-prep-up para sa pagsalakay sa Bahay ni Kuya.

Henry: Hahahahaha!!! Dahil sa ginawa ng mga hambog na Lopez na iyon kay Hero, wawasakin ko ang pesteng bahay na iyon para hindi na matuloy ang PBB Teen Edition! Hahahahaha!!!

At nagsimula nang sumalakay si Henry sa bahay.

Natulala ang mga teen housemates sa atake ni Henry. Helpless na helpless sila dahil sa sobrang lakas ng kapangyarihan niya.

Samantala... sa ELJCC...

"ALERT! ALERT! BIG BROTHER HOUSE BEING ATTACKED! THIS IS AN EMERGENCY!"

Ang anim na babaeng aplikante ay nabigla sa alarmang umaalingawngaw sa building.

Mizuki: A-ano iyon?
Saber: May umatake sa malapit na lugar!
Arcueid: Siguro, gawa iyon na naman ni Nero Chaos!
Ayu: Uguu... masama ito...
Misuzu: Gao... nakakabahala naman...
Asa: Ano ba ang tinutunganga niyo dyan? Kailangan nating kumilos!
Mizuki: Paano naman ang mga application natin?
Asa: Aasikasuhin natin 'to pag tapos na ang lahat!
Saber: SUGOD MGA KAPATID!

(BGM: "Sugod" by Sandwich)

At ang anim ay umalis sa building at tumungo sa lugar ng pananalakay.

How will Kira's crew, the Voltes team, and the Raijin-Oh team (thanks pinacolada_neko), and even the rest of the ABS-CBN anime characters react to this sudden turn of events? Stay tuned!

---

Stars Introduced So Far

Tenku - Empty Star
(Suo Chao, the Swift Vanguard)
Mel Tiangco