Episode 21: Eksklusibong Bitag / Ang Babaeng Tsundere
December 2006. The members of Nueva Liga Filipina are still going on their daily lives in peace. But for the childhood friends, any day is recruitment day.
Matt watches an episode of "Bahala Si Bitag" on UNTV-37 along with some others.
Ben Tulfo: (on TV) Kami sa Bitag, whether we succeed or fail on an operation, dinodokumento namin. And we always learn from our past mistakes. That style of ours, combined with our tried-and-true formula of careful, step-by-step procedure of reconnaissance, surveillance, undercover, and then the actual operation; doon nakukuha ang respeto ng karamihan. Respeto na may takot. Kaya kung sinuman sa inyo ang gagawa ng anumang katiwalian o iregularidad, watch out. We'll hunt you down at sisiguraduhin naming hindi kayo makakalusot, plain and simple.
Matthew Luke: Wow... just wow. Matagal ko nang hinahangaan ang mga Tulfo dahil palaban sila.
Ogie: (as Gosh Abelgosh) Ang diskarte nila, lalo na kay Ben, ay tinutularan na ng iba. Bilang isang startegist, hindi ko yata maabutan ang antas ng kakayahan niya.
Boy: Tama ka, Ogie. Nararamdaman ko, kapatid, na kahit marami pa tayo sa bilang, matatalo pa rin tayo kung di organisado ang mga pagkilos kung sakaling lalaban tayo ulit.
Hyacinth: Hmm. Tama kayo. Matagal na kasi kaming hinahanap ni Matt ang isang strategist na kapantay ng mga Silverberg at ni Lucretia Merces.
Boy: Sino sila?
Matthew Luke: Siyempre, mga strategists mula sa Suikoden series. At, sa aking pananaw, si Ben Tulfo ang katapat ng mga iyon!
Hyacinth: Hmm, good! Pwede na natin siyang i-recruit!
Boy: Pero dapat mahusay ang mga sasabihin ninyo. Hindi basta-basta na lamang magtitiwala sa mga ordinaryong taong tulad ninyo si Mr. Tulfo.
Matthew Luke & Hyacinth: Naiintindihan namin. We'll go back later.
The childhood friends then leave Balay Kapatiran for the Bitag Action Center. Once they have set foot on the destination, they immediately meet and greet the man himself.
Matthew Luke: Good morning, sir.
Ben Tulfo: Good morning to you, too. Well, from what I've heard in the news recently, kayo raw ang dalawang lider ng mercenary army na Nueva Liga Filipina. Matthew Luke Laonglaan at Hyacinth Monterola, if I'm not mistaken.
Hyacinth: Opo, kami iyon.
Matthew Luke: OK, let's get to the point immediately. Nagpunta kaming dalawa rito dahil sa isang napakaimportanteng dahilan. At iyan ay ang i-recruit kayo bilang chief strategist ng aming grupo.
Mr. Tulfo ponders for a moment, and then explains in the serious tone that he usually employs.
Ben Tulfo: You may be surprised to hear this from my own lips, but I will join your army if you can abide to my conditions. Una, kung ang mga ipapagawa ninyo sa akin ay hindi masyadong mabigat. Of course, with you two seeing me in action almost everyday, you can clearly see how busy I am. The skills that I possess are fit for being a strategist like you suggested, pero meron din akong mga limitasyon. Pangalawa, kung papayag kayo na idodokumento ko at ng crew ko ang bawat operasyong gagawin ninyo, because it's our style. Manalo man kayo o matalo sa mga laban ninyo, it's all the same. And if you worry about the right-to-privacy brouhaha, please don't. At ang ikatlo at ang pinakamabigat... there's this matter of trust. You see, I serve the people and help them whenever help is needed. But if I see even a hint of cruel intention in them, babaliktad ako. Backstabbing is what I hate. Kung sakaling gagawa kayo ng anumang hindi kanais-nais sa lipunan, reresbakan ko kayo agad. I stand by my own word and can't be dictated by others' opinions, especially if they reek of evil. (pause) Now that the conditions are laid down, papayag na ba kayo na ako'y iyong kukuhanin bilang chief strategist? It's just a matter of yes or no. Nothing else in between.
Matthew Luke & Hyacinth: Yes!
Ben Tulfo: Excellent! From now on, I, Ben Tulfo, will be the chief strategist of your army. By the way, sino ang secondary strategist ninyo?
Hyacinth: Si Ogie Diaz po.
Ben Tulfo: Hahahaha.
Matthew Luke: Bakit kayo natatawa?
Ben Tulfo: Nothing. Medyo... unique ang istilo niya, that's all.
And that is how Ben Tulfo was recruited as the chief strategist of Nueva Liga Filipina and as a Star of Destiny.
Another day of December, another day of recruiting. Apparently, the two childhood friends get a tip from Mel, Sanzo, and Michael V. concerning a potential recruit: Angel Locsin.
Sanzo: Kasi, ganito ang nangyari. Noong nangyari ang labanan ng mga robot, sinubukan namin nina Bitoy at Angel na pigilan si Ma'am Wilma sa kanyang masamang balak. Pero di namin akalain na ganoon siya kalakas, kaya "pinalayas" kami gamit ang kanyang mahika.
Mel: Ngayon, hindi na namin ngayon alam kung nasaan si Angel. Base sa mga salaysay nina Sanzo at ni Bitoy, mukhang naghiwalay sila noong oras na iyon.
Michael V.: At kahit ipaubaya natin sa NBI ang paghahanap sa kanya, matatagalan pa tayo. So, swertehan na lang ngayon ang paghahanap. Hahanapin n'yo pa rin siya ngayong alam ninyo ang kahirapan nito?
Matthew Luke & Hyacinth: Oo!
The childhood friends then leave Balay Kapatiran for a seemingly random location in Metro Manila, Dencio's Capitol Hills (in QC).
There, they find Angel in a very concealed area of the rooftop restaurant, surviving all those months since her exile from GMA with bare necessities.
Angel: Unghhh... (gasps, and immediately frowns) Hoy! Ano ba ang ginagawa ninyo diyan?
Matthew Luke: Huh? K-kami?
Angel: Oo! Kayo! Mukhang iniistorbo ninyo ang aking pagtulog! Sige na, matutulog na ako.
Hyacinth: Wag! Meron kaming hihilingin mula sa iyo!
Angel: At ano iyon?
Matthew Luke: Kayo ba talaga si Angel Locsin?
Angel: Naturalmente! Bakit, may reklamo?
Matthew Luke: Wala naman. Ngayong nalaman namin na kayo si Angel Locsin, pwede ba kayong sumali sa aming grupo, ang Nueva Liga Filipina?
Angel: ...Hindi!
Hyacinth: Ay, naku!
Matthew Luke: (whispers) Hyacinth, huwag kang mawalan ng pag-asa! *ehem* Angel, alam mo, biktima ka rin ng network war. Ngayong nawala na ito salamat sa amin, pagkakataon mo na upang makapagsimula muli.
Angel: Hmph. Wala na akong paki kung may network war man o wala.
Hyacinth: At... at makakasama mo pa ang mga kapwa mo Kapuso na sina Mel Tiangco, Michael V., at Genjo Sanzo.
Angel: Sigurado ba akong liligaya ako sa piling ng mga iyon, hm? (a la Charito Solis)
Matthew Luke: Siyempre! Tapos kasama mo pa ang iba't-iba pang mga personalidad! Masaya doon! At makakatulong ka pa sa Pilipinas!
Angel: Wish n'yo lang!
Hyacinth: Kung hindi ka sasama sa amin, paano na kami?
Angel: Ganoon ba kayo ka-desperado na kuhanin ako? (switches to meek mode) Sige, sasali na ako sa inyo.
Matthew Luke: Nakapagtataka naman. Ang bilis mo namang magpalit ng mood. Para kang gumawa ng 180 flip sa skateboarding.
Angel: Oo nga eh. Noong pinalayas ako mula sa GMA, may nagbago sa akin. Sa isang minuto nagiging masungit ako. Sa susunod naman, maamo. Di ko alam kung bakit ako nagkaganito.
Matthew Luke: May term ang mga Hapon para sa mga babaeng tulad mo: tsundere.
Angel: Tsun... dere?
Hyacinth: Ang salitang tsundere ay nagmula sa mga salitang Hapon na "tsun-tsun" na ang ibig sabihin ay "matulis" o "masungit", at ang "dere-dere" na ang ibig sabihin nama'y "maamo" o "mapagmahal".
Matthew Luke: Kaya ang pinamalapit na pagsalin ng salitang "tsundere" sa Filipino ay "away-bati".
Angel: Ahhh... naintindihan ko na.
Matthew Luke: Mula ngayon, kasapi ka na namin sa Nueva Liga Filipina. Congratulations.
Matt and Hyacinth both shake hands with Angel.
Angel: E... ewan ko kung makakasanay ang mga magiging kasama ko sa aking bagong ugali...
Matthew Luke: Buti ka pa na hindi ka sinugod ng mga taga-Dencio's patungo sa Mental Hospital.
Angel: (switches back to "tsun-tsun" mode) HA?!
Matthew Luke & Hyacinth: NYAAA!!!
And that is how Angel Locsin was recruited as a member of Nueva Liga Filipina and as a Star of Destiny.
NEXT EPISODE: What big development will happen at Pinoy Dream Academy's Grand Dream Night at the Araneta Coliseum? Stay tuned!
---
Stars Introduced So Far
Tenki Star - Star of Wisdom
(Wu Yung, the Great Intelligence)
Ben Tulfo
<< Home